|
Ang kenyoTravel ay isang pahinang nakalaan ukol sa paglalakbay sa Lalawigan ng Bulacan.
Bakit kenyoTravel? Dahil ang "kenyo" ay ang pinaikling salita ng "Bulakenyo". kenyoTravel sapagkat hinahamon ko ang aking sarili na lakbayin ang sariling lalawigan. Isa rin itong paghamon upang mas makilala ang Bulacan. Ito ay magiging posibilidad sa pagpasyal sa iba't ibang bayan, kapistahan, pook-kasaysayan, at kung saan man sa Bulacan. Sa pahinang ito nakatala ang mga naging karanasan sa aking paglalakbay. *Ang mga larawan at akda sa blogsite na ito ay orihinal (maliban lamang sa mga pangungusap at mga larawan na may karampatang pagbanggit -citation). Kinakailangang humingi ng karampatang permiso o paalam sakali mang may pag nanais na gamitin ilang bahagi sa blogsite na ito (may paglalapat na alituntunin at kondisyon)* Para sa mga katanungan maari po lamang na magpunta sa "contact" na makikita sa itaas. Salamat po. |