Ika-20 ng Enero nang ako ay magtungo sa bayan ng Guiguinto. Kasama ko sa aking pagbisita ang dalawa kong kaibigan na litratista na sina Mark at Kepner. Lulan ng motor. Binaybay naming ang Mc-Arthur Hiway mula Meycauayan hanggang Guiguinto.
Ang sadya naming sa bayan na iyon ay upang masaksihan ang Halamanan Festival. Isa sa mga pangunahing industriya ng bayan ang paghahalaman. Sa may barangay Tabang, malapit na sa hangganan ng lungsod ng Malolos, makikita ang tinatawag na “Garden City”. Sa lugar na ito itinatampok ang mga iba’t ibang halaman na nakaayos sa ilalim ng tawiran ng Tabang. Dinadayo ang lugar na yaon dahil sa iba’t ibang uri ng halaman na puwedeng mabili at makadagdag sa ganda ng hardin ng bawat mamimili. "Ang Dambana ng Meyto ang siyang nagsisilbing lugar na tanda ng pagkasilang ng Kristiyanismo. Hindi lamang sa probinsiya ng Bulacan, kundi sa kalakhang bahagi ng Gitnang Luzon." Isa ang Calumpit sa mga pinakaunang bayan ng lalawigan. Ang nasabing bayan ay naitatag noong taong 1539 (ayon sa nakasaad sa opisyal na sagisag ng Calumpit), ngunit ito ay pormal na napansin ng mga prayleng Kastila noong taong 1572. Sa taong din ito inilapag ang krus na sumisimbolo sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa lugar na kinatatayuan mismo ng dambana ngayon.
|
kenyoTravelAng "kenyo" ay salitang hango sa Bulakenyo. Layunin ko na mas makilala ang aking lalawigan. Categories
All
Archives
September 2018
|