Ang Sitio Palanas ay isa sa mga maraming Sitio sa Barangay Kalawakan sa bayan ng Doña Remedios Trinidad. Ang sitio na ito ay bahagi ng ancestral domain ng mga Dumagat. Ayon sa mga nakasalamuha ko dito, Kung noon ito ay isang liblib na lugar, unti-unti nang napapaunlad ang sitio na ito. Iyon din ang aking nasaksihan noong ako ay bumisita sa lugar na ito.
Bisita Iglesia sa Bulacan: Ang Pagbagtas sa mga Pangunahing Parokya sa bawat Bayan ng Bulacan3/3/2017 Ang Bulacan ay kilala bilang isang probinsiyang mayaman sa kasaysayan. Ito ay mababakas sa marami nitong lumang simbahan na naitaguyod pa noong panahon ng mga Kastila. Sa tuwing sasapit ang Semana Santa, popular na destinasyon ang Bulacan upang magsagawa ng Bisita Iglesia.
Mag-iisang taon na rin ang lumipas mula nang matagumpay kong napuntahan ang lahat ng bayan sa Lalawigan ng Bulacan. Panahon ng Kuwaresma nang inisa-isa ko ang mga pangunahing parokya sa bawat bayan ng Bulacan. Sa artikulo na ito ay aking ibinabahagi ang mga larawan nang mga parokya na aking nabisita noong nakaraang Semana Santa. Sa Barangay Talbak, bayan ng Doña Remedios Trinidad makikita ang Talon ng Verdivia.
Kung noon ito ay tago at mga lokal lamang ang nakakaalam, unti unti na itong nagiging kilala at dinarayo ng mga turista. Ang talon na ito ay pinangalanang Verdivia dahil sa luntiang kulay ng tubig sa sapang pinagbabagsakan nito. Unang beses ko makarating sa Doña Remedios Trinidad noong nakaraang ilang buwan. Ang bayan na ito ang isa sa pinakaliblib na lugar sa Bulacan. Marami pang dapat na madiskubre sa lugar na ito, kaya napagpasyahan ko na bumalik dito. Sa tulong ng aking kaibigan na si kuya Eduard, napuntahan ko ang isa sa mga hindi mabilang na nakatagong kayamanan ng DRT- ang Talong Pari.
Maulan ang araw na iyon; ngunit ako ay nangahas na magpunta sa San Miguel, Bulacan upang magbakasaling makaakyat ng bundok. Umalis ako sa Meycauayan nang maaga. Madilim ang kalangitan at nagbabadya ng masamang panahon, ngunit tinangka ko pa rin na magpunta sa San Miguel sa kadahilanang gusto kong masulit ang araw na ito. Ayon sa balita, ang hanging Habagat ang siyang nagpapaulan sa kalakhang isla ng Luzon.
|
kenyoTravelAng "kenyo" ay salitang hango sa Bulakenyo. Layunin ko na mas makilala ang aking lalawigan. Categories
All
Archives
September 2018
|