Mahalaga na makilala ang sariling bayan dahil ito ang pugad ng iyong pagkakakilanlan. Isa sa mga tanging paraan upang ito ay maisakatuparan ay ang paglalakbay. March 26, 2017: Eksaktong isang taon na ang nakalipas nang malakbay ko ang lahat ng bayan sa lalawigan ng Bulacan. Saktong isang taon, sa araw na ito, ay nalakbay ko naman ang lahat ng barangay sa bayan ng Meycauayan.
Aking pinuntahan ang dalawampu’t anim na barangay sa lungsod ng Meycauayan. Bilang tanda ng pagkakatapak ko sa bawat barangay, ay ang mga larawan ng mga pangunahing bisita at parokya sa mga barangay ng Meycauayan. Ang Sitio Palanas ay isa sa mga maraming Sitio sa Barangay Kalawakan sa bayan ng Doña Remedios Trinidad. Ang sitio na ito ay bahagi ng ancestral domain ng mga Dumagat. Ayon sa mga nakasalamuha ko dito, Kung noon ito ay isang liblib na lugar, unti-unti nang napapaunlad ang sitio na ito. Iyon din ang aking nasaksihan noong ako ay bumisita sa lugar na ito.
|
kenyoTravelAng "kenyo" ay salitang hango sa Bulakenyo. Layunin ko na mas makilala ang aking lalawigan. Categories
All
Archives
September 2018
|