Bisita Iglesia sa Bulacan: Ang Pagbagtas sa mga Pangunahing Parokya sa bawat Bayan ng Bulacan3/3/2017 Ang Bulacan ay kilala bilang isang probinsiyang mayaman sa kasaysayan. Ito ay mababakas sa marami nitong lumang simbahan na naitaguyod pa noong panahon ng mga Kastila. Sa tuwing sasapit ang Semana Santa, popular na destinasyon ang Bulacan upang magsagawa ng Bisita Iglesia.
Mag-iisang taon na rin ang lumipas mula nang matagumpay kong napuntahan ang lahat ng bayan sa Lalawigan ng Bulacan. Panahon ng Kuwaresma nang inisa-isa ko ang mga pangunahing parokya sa bawat bayan ng Bulacan. Sa artikulo na ito ay aking ibinabahagi ang mga larawan nang mga parokya na aking nabisita noong nakaraang Semana Santa. Ang buwan ng Enero ay espesyal sa bayan ng Bustos sapagkat dito ipinagdiriwang ang 'Minasa Festival'. Sa kapistahan na ito itinatampok ang natatanging produkto ng bayan, ang minasa. Sa kapistahan din ito ipinamamalas ng mga kabataan ang kanilang talento sa pag-indak na nagsisilbing sayaw-salaysay ng bayan.
|
kenyoTravelAng "kenyo" ay salitang hango sa Bulakenyo. Layunin ko na mas makilala ang aking lalawigan. Categories
All
Archives
September 2018
|