Bisita Iglesia sa Bulacan: Ang Pagbagtas sa mga Pangunahing Parokya sa bawat Bayan ng Bulacan3/3/2017 Ang Bulacan ay kilala bilang isang probinsiyang mayaman sa kasaysayan. Ito ay mababakas sa marami nitong lumang simbahan na naitaguyod pa noong panahon ng mga Kastila. Sa tuwing sasapit ang Semana Santa, popular na destinasyon ang Bulacan upang magsagawa ng Bisita Iglesia.
Mag-iisang taon na rin ang lumipas mula nang matagumpay kong napuntahan ang lahat ng bayan sa Lalawigan ng Bulacan. Panahon ng Kuwaresma nang inisa-isa ko ang mga pangunahing parokya sa bawat bayan ng Bulacan. Sa artikulo na ito ay aking ibinabahagi ang mga larawan nang mga parokya na aking nabisita noong nakaraang Semana Santa. Ang lumang istasyon ng tren ng Guiguinto ay dating bahagi ng daang bakal na Ferrocaril Manila-Dagupan na naitayo noong panahon ng mga Kastila. Ang daang bakal na ito ang nagsilbing paraan upang padaliin ang kalakaran sa mga bayan na nasasakupan ng daang bakal na ito.
Sa lalawigan ng Bulacan isa ang lumang istasyon ng Guiguinto sa mga natitirang limang lumang istasyon ng tren sa lalawigan. Daang Bakal: Ang Pagbakas Sa Mga Natitirang Bahagi ng Ferrocarril de Manila-Dagupan sa Bulacan4/9/2016 Ang tren ay mahalaga sa pagtataguyod ng bansa. Mas napapabilis ang paghahatid ng mga kalakal at serbisyo sa mga malalayong lugar. Napapayabong nito ang kalakaran at nakakagawa ng mga kabuhayan para sa mga tao. Ang pagyabong ng kalakaran at kabuhayan ay nagiging sanhi ng paglakas ng ekonomiya. Ika-20 ng Enero nang ako ay magtungo sa bayan ng Guiguinto. Kasama ko sa aking pagbisita ang dalawa kong kaibigan na litratista na sina Mark at Kepner. Lulan ng motor. Binaybay naming ang Mc-Arthur Hiway mula Meycauayan hanggang Guiguinto.
Ang sadya naming sa bayan na iyon ay upang masaksihan ang Halamanan Festival. Isa sa mga pangunahing industriya ng bayan ang paghahalaman. Sa may barangay Tabang, malapit na sa hangganan ng lungsod ng Malolos, makikita ang tinatawag na “Garden City”. Sa lugar na ito itinatampok ang mga iba’t ibang halaman na nakaayos sa ilalim ng tawiran ng Tabang. Dinadayo ang lugar na yaon dahil sa iba’t ibang uri ng halaman na puwedeng mabili at makadagdag sa ganda ng hardin ng bawat mamimili. |
kenyoTravelAng "kenyo" ay salitang hango sa Bulakenyo. Layunin ko na mas makilala ang aking lalawigan. Categories
All
Archives
September 2018
|