Ika-29 ng Septiyembre nang ginanap ang ika-labing apat na Kapistahan ng mga Anghel o Angel Festival ng bayan ng San Rafael. Ito ay ginaganap bilang pag-gunita sa patrong santo na si San Rafael. Ang kapistahan na ito ay nag-umpisa noong taong 2002 na pinamunuan ng Konseho ng Turismo ng San Rafael at ang Parokya ng San Juan de Dios. Ang araw ng kapistahang ito ang araw na ang mga anghel ay tila bumababa mula sa kalangitan upang handugan ang mga tao ng saya sa pamamagitan ng pag-sayaw.
Sa Sitio Cogonan, Brgy. Sibul, bayan ng San Miguel ay may nakakubling bisita na nakapaloob sa isang kuweba. Ang pagkamangha sa balitang ito ang siyang nagtulak sa amin ng kaibigan ko na si Kuya Eduard na hanapin ito.
Unang beses ko makarating sa Doña Remedios Trinidad noong nakaraang ilang buwan. Ang bayan na ito ang isa sa pinakaliblib na lugar sa Bulacan. Marami pang dapat na madiskubre sa lugar na ito, kaya napagpasyahan ko na bumalik dito. Sa tulong ng aking kaibigan na si kuya Eduard, napuntahan ko ang isa sa mga hindi mabilang na nakatagong kayamanan ng DRT- ang Talong Pari.
Ang Kapistahan ng Singkaban ngayong taon ay ginanap noong ika-8 ng Setyembre na siyang kapanganakan din ng Birheng Maria. Ito ang kapistahan na kung saan ang pangkalahatan ng Bulakan ay nakikisaya at nakikidalo sa mga programang naisagawa ng probinsiyal na pamahalaan ng Bulakan. Sampung taon ang nakaraan, naisip ng probinsiyal na pamahalaan na magsagawa ng kapistahan ang buong Bulakan upang mataguyod nito ang kalinangan at kultura ng buong probinsiya. Ang selebrasyon ay unang tinawag na Linggo ng Bulakan. Kinalaunan, ito ay tinawag ng "Singkaban Festival". Ang tema ng kapistahan para sa taong ito ay: "Bulacan, Dangal ng Bansa! Lahing Bulakenyo, Ating Ibandila!".
|
kenyoTravelAng "kenyo" ay salitang hango sa Bulakenyo. Layunin ko na mas makilala ang aking lalawigan. Categories
All
Archives
September 2018
|