Bisita Iglesia sa Bulacan: Ang Pagbagtas sa mga Pangunahing Parokya sa bawat Bayan ng Bulacan3/3/2017 Ang Bulacan ay kilala bilang isang probinsiyang mayaman sa kasaysayan. Ito ay mababakas sa marami nitong lumang simbahan na naitaguyod pa noong panahon ng mga Kastila. Sa tuwing sasapit ang Semana Santa, popular na destinasyon ang Bulacan upang magsagawa ng Bisita Iglesia.
Mag-iisang taon na rin ang lumipas mula nang matagumpay kong napuntahan ang lahat ng bayan sa Lalawigan ng Bulacan. Panahon ng Kuwaresma nang inisa-isa ko ang mga pangunahing parokya sa bawat bayan ng Bulacan. Sa artikulo na ito ay aking ibinabahagi ang mga larawan nang mga parokya na aking nabisita noong nakaraang Semana Santa. Matagumpay akong nakadalo sa ikalawang araw ng Pista ng Salubong. Nakarating ako sa Poblacion, Plaridel ng katanghalian tapat. Kita ko na agad ang dami ng tao sa himnasyo, hudyat na mag-uumpisa na ang patimpalak sa sayaw. Ang mga kasali sa araw na ito ay ang mga mag-aaral na nabibilang sa mataas na antas/hayskul.
Nagtungo sa bayan ng Plaridel noong ika-29 at ika-30 ng Disyembre upang masaksihan ang Pista ng Salubong para kay Apostol Santiago. Itinatampok din sa kapistahan na ito ang parada ng mga kabayo kaya ang Pista ng Salubong ay kilala rin bilang Plaridel Horse Festival. Sinasabi na si Apostol Santiago ang patrong santo ng mga kutsero. |
kenyoTravelAng "kenyo" ay salitang hango sa Bulakenyo. Layunin ko na mas makilala ang aking lalawigan. Categories
All
Archives
September 2018
|