Ang paggawa o ang paglalala ng buntal ay isa sa mga tradisyonal na industriya sa bayan ng Baliuag. Mapalad kong nakasalamuha ang mga taong kabilang sa industriyang ito at masaksihan kung paano gawin ang mabusising paglalala ng buntal.
Ang Pistang Bayan ng Pulilan ay iginaganap para sa pagpaparangal sa patrong santo na si San Isidro. Tuwing ika 14 at 15 ng Mayo, ginaganap ang kapistahan. Isa sa mga katangi-tangi sa kapistahang ito ay ang parada ng mga kalabaw at ang pagpapaluhod sa kanila sa harap ng simbahan.
Ang pag-gawa ng Singkaban ay isa sa mga natatanging sining ng Bulacan. Ang Singkaban ay ang arko na yari sa kawayan.
May dalawang uri nito, ang Hagonoy na Singkaban at ang Malolos na Singkaban. Sa artikulo na ito, aking nasaksihan ang sining ng pag-gawa ng Singkabang Malolos. Ang Bahay Makabayan ay isang munting museo na pag-aari at nasa pangangalaga ni G. Jaime Salvador Corpuz.
Ito ay nagtatanghal ng koleksiyon ng mga aklat, gawang-sining, memorabilia, at iba pang mga kagamitang may kahalagahan sa kasaysayan, tradisyon, at kultura. Isang popular na destinasyon ang kuweba ng Pinagrealan sa bayan ng Norzagaray. Bukod sa ganda ng kuweba, ang kasaysayan na tigib sa lugar na ito ang siyang nagbigay ng mabigat na dahilan kung bakit ito ay itinuring na napakahalagang lugar hindi lamang para sa mga Garayenyo o Bulakenyo, kundi pati na rin sa mga Pilipino.
|
kenyoTravelAng "kenyo" ay salitang hango sa Bulakenyo. Layunin ko na mas makilala ang aking lalawigan. Categories
All
Archives
September 2018
|