Bisita Iglesia sa Bulacan: Ang Pagbagtas sa mga Pangunahing Parokya sa bawat Bayan ng Bulacan3/3/2017 Ang Bulacan ay kilala bilang isang probinsiyang mayaman sa kasaysayan. Ito ay mababakas sa marami nitong lumang simbahan na naitaguyod pa noong panahon ng mga Kastila. Sa tuwing sasapit ang Semana Santa, popular na destinasyon ang Bulacan upang magsagawa ng Bisita Iglesia.
Mag-iisang taon na rin ang lumipas mula nang matagumpay kong napuntahan ang lahat ng bayan sa Lalawigan ng Bulacan. Panahon ng Kuwaresma nang inisa-isa ko ang mga pangunahing parokya sa bawat bayan ng Bulacan. Sa artikulo na ito ay aking ibinabahagi ang mga larawan nang mga parokya na aking nabisita noong nakaraang Semana Santa. Isang araw sa bayan ng Norzagaray, kami ay nagtungo sa punduhan ng mga Dumagat. Isang araw sa piling ng mga Dumagat, kanilang naibahagi ng pahapyaw ang kanilang pamumuhay at natatanging kultura na nilinang ng kanilang lugar at tahanan- ang kabundukan.
Isang popular na destinasyon ang kuweba ng Pinagrealan sa bayan ng Norzagaray. Bukod sa ganda ng kuweba, ang kasaysayan na tigib sa lugar na ito ang siyang nagbigay ng mabigat na dahilan kung bakit ito ay itinuring na napakahalagang lugar hindi lamang para sa mga Garayenyo o Bulakenyo, kundi pati na rin sa mga Pilipino.
|
kenyoTravelAng "kenyo" ay salitang hango sa Bulakenyo. Layunin ko na mas makilala ang aking lalawigan. Categories
All
Archives
September 2018
|