Bisita Iglesia sa Bulacan: Ang Pagbagtas sa mga Pangunahing Parokya sa bawat Bayan ng Bulacan3/3/2017 Ang Bulacan ay kilala bilang isang probinsiyang mayaman sa kasaysayan. Ito ay mababakas sa marami nitong lumang simbahan na naitaguyod pa noong panahon ng mga Kastila. Sa tuwing sasapit ang Semana Santa, popular na destinasyon ang Bulacan upang magsagawa ng Bisita Iglesia.
Mag-iisang taon na rin ang lumipas mula nang matagumpay kong napuntahan ang lahat ng bayan sa Lalawigan ng Bulacan. Panahon ng Kuwaresma nang inisa-isa ko ang mga pangunahing parokya sa bawat bayan ng Bulacan. Sa artikulo na ito ay aking ibinabahagi ang mga larawan nang mga parokya na aking nabisita noong nakaraang Semana Santa. Sa Sitio Cogonan, Brgy. Sibul, bayan ng San Miguel ay may nakakubling bisita na nakapaloob sa isang kuweba. Ang pagkamangha sa balitang ito ang siyang nagtulak sa amin ng kaibigan ko na si Kuya Eduard na hanapin ito.
Maulan ang araw na iyon; ngunit ako ay nangahas na magpunta sa San Miguel, Bulacan upang magbakasaling makaakyat ng bundok. Umalis ako sa Meycauayan nang maaga. Madilim ang kalangitan at nagbabadya ng masamang panahon, ngunit tinangka ko pa rin na magpunta sa San Miguel sa kadahilanang gusto kong masulit ang araw na ito. Ayon sa balita, ang hanging Habagat ang siyang nagpapaulan sa kalakhang isla ng Luzon.
Sa araw na ito, ako ay nagtungo sa San Miguel Isa sa mga dahilan kung bakit gusto kong maglakbay mag-isa ay sa kadahilanan na ang tanging responsibilidad ko lamang ay ang aking sarili. Ika-16 ng Abril nang unang beses akong makarating sa bayan ng San Miguel.
Upang maging sulit ang araw, napagdesisyunan ko na umakyat ng bundok, pumasok sa loob ng kweba, at kung ano man ang ihandog na karanasan sa akin ng kapalaran ngayong araw. At oo, ako ay nasasabik. Kahit na ako ay naturang tiga-Bulacan, hindi ako masyadong nagagawi sa malalayong bayan ng Bulacan sapagkat mas malapit ang aking bayan sa kalakhang Maynila. |
kenyoTravelAng "kenyo" ay salitang hango sa Bulakenyo. Layunin ko na mas makilala ang aking lalawigan. Categories
All
Archives
September 2018
|