Bisita Iglesia sa Bulacan: Ang Pagbagtas sa mga Pangunahing Parokya sa bawat Bayan ng Bulacan3/3/2017 Ang Bulacan ay kilala bilang isang probinsiyang mayaman sa kasaysayan. Ito ay mababakas sa marami nitong lumang simbahan na naitaguyod pa noong panahon ng mga Kastila. Sa tuwing sasapit ang Semana Santa, popular na destinasyon ang Bulacan upang magsagawa ng Bisita Iglesia.
Mag-iisang taon na rin ang lumipas mula nang matagumpay kong napuntahan ang lahat ng bayan sa Lalawigan ng Bulacan. Panahon ng Kuwaresma nang inisa-isa ko ang mga pangunahing parokya sa bawat bayan ng Bulacan. Sa artikulo na ito ay aking ibinabahagi ang mga larawan nang mga parokya na aking nabisita noong nakaraang Semana Santa. Ang pag-gawa ng Singkaban ay isa sa mga natatanging sining ng Bulacan. Ang Singkaban ay ang arko na yari sa kawayan.
May dalawang uri nito, ang Hagonoy na Singkaban at ang Malolos na Singkaban. Sa artikulo na ito, aking nasaksihan ang sining ng pag-gawa ng Singkabang Malolos. Daang Bakal: Ang Pagbakas Sa Mga Natitirang Bahagi ng Ferrocarril de Manila-Dagupan sa Bulacan4/9/2016 Ang tren ay mahalaga sa pagtataguyod ng bansa. Mas napapabilis ang paghahatid ng mga kalakal at serbisyo sa mga malalayong lugar. Napapayabong nito ang kalakaran at nakakagawa ng mga kabuhayan para sa mga tao. Ang pagyabong ng kalakaran at kabuhayan ay nagiging sanhi ng paglakas ng ekonomiya. Ang Kapistahan ng Singkaban ngayong taon ay ginanap noong ika-8 ng Setyembre na siyang kapanganakan din ng Birheng Maria. Ito ang kapistahan na kung saan ang pangkalahatan ng Bulakan ay nakikisaya at nakikidalo sa mga programang naisagawa ng probinsiyal na pamahalaan ng Bulakan. Sampung taon ang nakaraan, naisip ng probinsiyal na pamahalaan na magsagawa ng kapistahan ang buong Bulakan upang mataguyod nito ang kalinangan at kultura ng buong probinsiya. Ang selebrasyon ay unang tinawag na Linggo ng Bulakan. Kinalaunan, ito ay tinawag ng "Singkaban Festival". Ang tema ng kapistahan para sa taong ito ay: "Bulacan, Dangal ng Bansa! Lahing Bulakenyo, Ating Ibandila!".
|
kenyoTravelAng "kenyo" ay salitang hango sa Bulakenyo. Layunin ko na mas makilala ang aking lalawigan. Categories
All
Archives
September 2018
|